Panoorin sa Pechanga ang sikat na ‘Funtastik 4’ live sa Agosto 20

Comment: Off

F4CSa isang natatanging pagtatanghal na kikiliti at magbibigay saya sa mg amanonood, inihahandog ng Pechanga Resort & Casino sa Agosto 20, 2016 alas-7 ng gabi, ang pinagsanib na pwersa sa larangan ng entertainment at komedya na sina K. Brosas, Chokoleit, Pooh at ang beteranang si Pokwang ‘Funtastik 4’ at ang panauhin nilang si Rayver Cruz.

Ang Pechanga Resort & Casino sa Temecula, California ay kilala s apagtangkilik ng magagaling at mahuhusay na mga Pilipinong artista at mang-aawit kagaya ng international singer na si Gary Valenciano,  Mega Star na si Sharon Cuneta, ang singer/aktres at Tony Award winner Lea Salonga, pupolar na komedyante at aktor, Vice Ganda, winner ng ‘Star Power Search 2011’ Angeline Quintos, international actress at top endorser Anne Curtis, at Pop Star Princess Sarah Geronimo – nabigay todo ng umaaliw sa kagalakan ng mgamanonood.

Bukod sa maayos na mga kainan, pahingahan at kasayahan, nais ng Pechanga Resort & Casinona mag-alay ng natatanging kaganapan lalo na sa Pilipinong mga patron. Kung kaya’tang ‘Funtastik 4’, nakilala at tagumpay sa larangan ng komedya at entertainment ay mag-aaliw sa mga Pilipinong patron at tagasubaybay ng naturang casino.

Ang ‘Funtastik 4’ ay nakilalasaserye ng mgapagtatanghal sa ibat-ibang lugar sa Pilipinas na naging sikat sa pinaghalong komedya at pagkanta na siyang umaaliw sa mga manonood. Pinangungunahan ni K. Brosas, Maria Carmela Brosas sa tunay na buhay, ay kilala bilang aktres, comedian, singer at TV host na dual Filipino-American citizenship.

Si Brosas ay dating kabilang sa banda ng Glady’s and The Boxers kung saan siya’y lead singer nang mag show ang mga ito bilang K and The Boxers. Sa kalagitnaan ng taong 2010, si Brosas ay naging co-host ng game show na Pilpinas Win na Win.

Si Jonathan Aguilar Garcia, kilalabilang ‘Chokoleit’  ay sikat na komedyante, aktor at TV host. Siya’y tampok sa pagganap bilang Dugong sa lokal na Philippine TV series ‘Marina.’

Pumaimbulog ang kasikatan ni Chokoleit ng matuklasa nito mula sa mga stand-up comedies sa mga lugar naaliwan sa kilalang pook sa Manila. Tiyak na inyong ikatutuwa na matunghayan muli si Chokoleit sa pagtitipong itosa Pechanga Resort & Casino.

Kilala sa pangalang ‘Pooh,’ si Reynold Garcia na tubong Northern Samar ay is ang aktor, comedian, impersonator, singer at host. Sumikat si Pooh sa pagbibida sa comedy gag show na Banana Split. Gayang-gaya niya ang katauhan ni Senador at boxer Manny Pacquiao.

Si Pooh ay Aliw Awardee bilang best male stand-up comedian taong 2006 at 2007. Gayundi’y na nomina sa naturang category taong 2008.

Kikiligin kayo kay Rayver Cruz, na Raymond Oliver Cruz Ilustre sa tunay na buhay.  Si Rayver ay isang aktor, dancer at singer na tiyak na aaliw sa mga manonood at taga-subaybay ng casino.

Si Rayver ay miyembro ng pamilya Cruz, pinagpipitagang pamilya sa entertainment industry sa Pilipinas. Kapatid niya sina Rodjun at Omar na naggagandahang lalaki sa movie industry. Si Rayver ay kasalukuyang makikita sa noontime variety show na ASAP XV.

Nagsimula si Rayver bilang child actor sa GMA show na Kiss Muna ngunit lumipat ito saka-kompetensyang ABS-CBN. Ang kanyang unang seryesa TV ay Spirits bilang Red kasama ang aktres na si Maja Salvador. Si Rayver ay pinsang buo ni Sheryl, Sunshine, Geneva at Donna Cruz.

Hindi pahuhuli ang sikat na si Pokwang – isang komedyante, host ng television, singer. Tunay na kilala bilang Marietta Subong, siya’y isang sikat na aktres na nagwagi ng Clown in a Million contest sa ABS-CBN comedy-gang show program. Yes, Yes Show! (2004). Si Pokwang ang ika-siyam sa labindalawang magkakapatid.

Gayundin ay nasahanay ng mga komedyante, si Pokwang ay aktres, TV host, impersonator, singer at may-ari ng salon. Nagtamo din ito ng mga award sa pagiging sikat na komedyante.

Si K. Brosas, Chokoleit, Pooh, Pokwang at ang panauhin nila na si Rayver Cruz –  ang perpektong kombinasyon upang kiligin kayo sa Agosto inihahatid ng ipinagmamalaki sa Temecula, California – Pechanga Resort & Casino. Bumilina ng tikets (mula $98, $78, $68 hanggang $58) sa Pechanga Box Office 877-711-2946 o online sa www.Pechanga.com.

Patungkol sa Pechanga Resort & Casino

Inaalok ng Pechanga Resort & Casino ang isa sa mga pinakamalaki at malaganap na kasiyahan na pang resort/casino kahit saan sa United States.  Ibinotong numero unong casino ng mga mambababasa ng USA Today at hinirang na “Four Diamond property” ng AAA mula pa noong 2002, ang Pechanga Resort & Casino ay nagbibigay ng walang katumbas naparaan para sa isang araw o pang-matagalang marangyang bakasyon.  Naghahandog ng mahigit sa 3,400 sa pinakamainit na slot machines, table games at world-class entertainment, 517 mga kwarto sa hotel, kainan, spa at championship golf sa Journey sa Pechanga, ang Pechanga Resort & Casino ay tampok na destinasyon na tumutugon at humihigit sa kagustuhan ng mga panauhin nito at ng komunidad.  Ang Pechanga Resort & Casino ay pag-aari at palakad ng Pechanga Band ng mga Luiseño Indians.  Para sa karagdagang impormasyon, tumawag ng toll-free sa 1-877-711-2946 o pumunta sa www.Pechanga.com.

 

About the Author

Related Posts