Lani Misalucha, tampok ang isang espesyal na panauhing magtatanghal sa Pechanga Theater ngayong spring

Mabibili ang Tickets mula ngayong Biyernes, Feb. 20, para sa Pechanga Resort & Casino Show sa May 22

Lani Misalucha

Lani Misalucha

Ang beteranang mang-aawit sa Pilipinas na si Lani Misalucha, kasama ang isang espesyal at sikat na mang-aawit ay kapwa magtatanghal sa Pechanga Resort & Casino Theater sa May 22, 2015. Makabibili na ng Tickets ngayong Biyernes, Feb. 20 sa halagang $90, $80, $70 at $60 para sa show sa ganap na alas-8 ng gabing pagtatanghal, at mabibili rin sa Pechanga Box office, 877-711-2WIN (2946) o www.Pechanga.com.

Kapwa kilalang mga bituin, si Lani Misalucha ay kilala rin bilang “Siren of the Las Vegas Strip,” matapos ang matagal na pananalagi rito.

Si Lani Misalucha ay Pilipinang mang-aawit na base sa Las Vegas, Nevada. Binansagang “Asia’s Nightingale,” siya ay premyadong artista, mula pop, rock, jazz, soul, rhythm at blues at operatic arias. Mula ng lumipat sa Las Vegas noong 2004, si Misalucha ang unang Asyanong bumandera sa mga entablado ng Las Vegas strip kasabay ng Hawaii Society of Seven sa Jubilee Theater ng Bally’s.

Mula noon, si Misalucha ay tinaguriang “New Siren of the Strip.” Noong March 2008, si Misalucha ay ibinotong “Best Singer” sa “27th Annual Best of Las Vegas” poll ng Las Vegas Review Journal.

Kamakailan lamang, si Misalucha ay bumalik sa Pilipinas na taglay ang kasihayang ilabas ang ika-pitong studio album nito, The Nightingale Returns: Lani Misalucha Sings the Greatest Filipino Songbook.

Nauna rito si Lani Misalucha at ang tampok na panauhin nito gayundin si Martin Nievera, ay nailathala sa tagumpay ng New Year’s Eve Countdown sa Solaire Resort and Casino sa Manila.

Ang iba pang mga pagtatanghal sa Pechanga Resort & Casino ay ang mga sumusunod:

● March 28 – Battle of the Badges
● March 29 – Amy Schumer
● April 5 & 6 – ”Truc Tiep Thu Hinh” Paris by Night 114

● April 11 – Pat Benatar & Neil “Spyder” Giraldo
● April 13 – K-FROG Cares Concert
● April 26 – Earth, Wind & Fire
● May 2 – The Moody Blues
● May 15 – Bellator MMA
● May 22 – Lani Misalucha with Special Guest
● June 5 – Peter Frampton & Cheap Trick
● June 6 – 7th Annual Microbrew & Craft Beer Festival
● August 23 – Diana Krall

Inaalok ng Pechanga

Inaalok ng Pechanga Resort & Casino ang isa sa mga pinakamalaki at malaganap na kasiyahan na pang resort/casino kahit saan sa buong bansa. Hinirang na “Four Diamond property” ng AAA mula pa noong 2002, ang Pechanga Resort & Casino ay nagbibigay ng walang katumbas na paraan para sa isang araw o pang-matagalang marangyang bakasyon. Naghahandog ng mahigit sa 3,000 sa pinaka mainit na slot machines, table games at world-class entertainment, 517 na kuwarto sa hotel nito, mga kainan, spa at championship golf sa “Journey at Pechanga,” ang Pechanga Resort & Casino ay tampok na destinasyon na tumutugon at humihigit sa kagustuhan ng mga panauhin nito at ng komunidad. Ang Pechanga Resort & Casino ay pag-aari at palakad ng Pechanga Band ng mga Luiseño Indians. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa 1-877-711-2946 o pumunta sa www.Pechanga.com. Sundan ang Pechanga Resort & Casino sa Facebook.com/Pechanga at Twitter @PechangaCasino. Ang Pechanga Resort & Casino ay bukas ng 24 oras. Ang mga panauhin ay dapat na may edad 21 anyos at pataas para makapasok sa casino.

About the Author

Related Posts