Kim denies rumored ‘dark past’

Kim Domingo (MNS photo)

Kim Domingo (MNS photo)

Kim Domingo denies the malicious rumor that she has a dark past.

“Nabasa ko nga ‘yung mga nasulat sa’kin,” the 21-year old actress said. “Kung minsan, blind item, pero halatang ako ang nire-refer. Nakikipag-date daw ako sa mga politiko na nagregalo sa’kin ng bahay at kotse, sumasayaw raw ako dati sa nightclub, pokpok daw ako. Hindi po ako ganun. Nagtrabaho nga ako sa club but as a model and promo girl for a brand ng alak.”

“Inaamin kong may nag-indecent proposals sa’kin, lalo na nang mag-pose ako sa FHM, pero never akong pumatol. Wala pa nga akong sariling sasakyan, e. May nakuha akong townhouse for my family, pero hanggang ngayon hinuhulugan ko pa, 15 years to pay. Nasasaktan nga ako kasi nag-isip na agad ng masama ang ibang tao dahil lang ang image ko, pa-sexy,” she added.

She admits she is the love child of her mom with a French guy and she has never met her father.

“Tinangka kong hanapin ang father ko, pero wala, e, hindi ko makita. Laki ako sa hirap kaya pinangarap kong mag-artista. Bata pa ko, sumali na ko sa Little Miss Philippines noong 2000 pero 4th runner up lang ako. Sumali rin ako sa Artista Academy, sa PBB, pero hindi ako nakuha kaya nag-extra na lang ako sa crowd scenes. Dahil sa FHM cover ko nung December, napansin ako ng GMA at nakuha ako sa ‘Bubble Gang’ and later, sa ‘Juan Happy Love Story’ bilang business associate ni Dennis Trillo na gusto siyang agawin kay Heart Evangelista.”

So how is it working with Dennis? “Kinakabahan ako nung una kasi Dennis Trillo na siya. Pero mabait siya, alam niyang nahihiya ako so he made me feel comfortable.” (MNS)

About the Author

Related Posts